Madaling natapos ang relasyon na pinakaiingatan di sukat akalain hanggang dun lang ang kahahantungan ng lahat ng mga pangakong binitawan, mga masasayang sandaling natapos lang sa isang iglap ng kawalan.. alin ba ang nakapanghihinayang? ang tagal na pinagsamahan at walang sinuman ang magkakailang hindi ito pinanghihinayangan..
Pagmamahal natin biglang naglaho, nagsawa na ba at hinayaan lang makawala o kumawala..
mga masasayang sandali lagi kong inaalala, inalala bawat minutong kasama ka., pinagmamasdan pungay ng iyong mga mata pero ngayon wala na..init ng iyong mga kamay na hinahanap sa tuwina.. mga halik mong di kayang gayahin ng iba ..
Mga pangako nating kakalimutan na nga ba? o bibigyan na lamang sa ngayon ng puwang ang isat isa?! ginusto bang bitawan dahil tama na, dahil pagod na o ginusto lang bitawan para makita ang sarili sa iba?!
Lahat ng paraan gusto at ginusto mo binigay ko at ginawa ko pero kusa mong binitawan ang pinanghaahwakan ko.. marahil hindi pa ito ang katapusan ng mga araw na ating sinimulan.. marahil ito ang umpisa ng ating magsisilbing paglalakbay sa ating mga buhay..
Dati pundasyon ko ang pag ibig mo subalit ng marinig ko ang salitang binitawan mo tumatak ito sa isipan ko.. marahil may pagkakataong nagmimistula tayong inutil at alipin ng pag ibig natin..
Maligaya ako dahil naging parte ka ng buhay ko,.. at kailanman hindi nagkamali ang puso ko sa pagmamahal na ipinakita at ibinigay ko ng buong buo,. ikaw lang ang minahal ko ng ganito, walang katulad at walang katumbas subalit hanggang dito na lang tayo..
Wala siguro akong dapat ipag pahinayangan, dahil alam ko sa sarili ko na minahal natin ang isat isa..
#01

really nice!
ReplyDeletewow thanks mitch.. nice my blog n din xa hahaha
ReplyDelete