Bakit pa natin kailangan pahirapan ang isat isa kung alam naman natin sa ating sarili na tayo ay iisa.. nang makilala ka nabago mo buhay ko, nagmistulang lagi nakaagapay, laging sa tabi ko.. Sa tuwing hinahawakan mo ang aking kamay, hinahaplos mo ang aking pisngi ramdam ko init ng iyong mga kamay.. marahil oras lamang talaga ang kinakailangan darating kaya ang araw mga panahong pinakahihintay na ang oras sa ating dalawa ay maging iisa makikisama ang mga panahong pinakahihintay, gustuhin ko man lagi nasa tabi mo takot at kaba namumutawi sa dibdib ko.. ilang beses na 'to nangyari.. Minsan mo lang titigan ang mga mapupungay kong mga mata ako'y madali natutunaw mga halik mong may kung ano't kahulugan pala, hindi koalamkung anung plano mo saten, sa akin sa atin,. Ilang beses ng nag plano ng palaging napapalya.. tadhana nanga ba ang gumagawa ng paraan upang hindi matuloy o panahon lang talaga ang makakapag sabi kung kailang ito magpapatuloy.. Ayoko mawalaka, ilang beses ko na sinubukang iwasan ka subalit patuloy ka lang nandyan ni hindi ko alam kung ano ang hinihintay bakit ayaw ako pakawalan ni putulinang koneksyong matagal ng nasimulan.. Marahil minsan ako'y naguguluhan marami at iba iba ang iyong interes panigurado bilang sa kamay at nasa huli ako.. napapansin mo lang ba ako kapag nasasabik kang alalahanin ako? o naiisip mo rin talaga ako? nag hihintay ka nga lang ba ng tyempo.. sabi mo sa kaibigan mo naguguluhan kasaakin paiba iba ng desisyon di ko sukat akalain.. pano nga ba ako magsisimula sa kwentong nasimulan natin kung ipaparamdam mo sa aking malayo ka, lumalayo sa akin.. Pilit pa rin inaalala nung gabi nakasama ka.. Lambot ng iyong lambing sayo lang nadama marahil iba ka, iba ako.. marahil hindi tayo naguguluhan lang ba ako ?! o wala lang sayo ito..
sana naiisip mo rin ako sa lahat ng ginagawa mo , sana parati akong nasa isipan mo.. sana.. ..

No comments:
Post a Comment