About Me

My photo
My existence to this real life.. I easily get annoyed with people who think they're perfect. Some misunderstand and think I’m cold and distant. I'm a very straight forward and some people misunderstood my words. I just don't care about things that don’t affect my existence. Who cares if people hate me? Who cares if those or some people irritated with me, who cares about those sharp tongues assholes? Definitely not me. As long as something makes me happy and comfy, and remains within the level of common politeness, I’m cool with it. I grew up in a conservative family which made me wanted to try things outside, I'm sensitive, easily get hurt, and often feel uncared for even for simple reasons but only to those whom I have connections with. You may see me as unapproachable, snob, quiet person but limited bubbly I have come to accept the wild freaky image I reflect, I'm not like any ordinary girl. I am me and I’m different with, the kind who goes out and explores the real world.

Sunday, November 28, 2010

"Salamat sa panahon nating nakalipas.."

Salamat sa ala-alang nakalipas, salamat sa mga pagkakataong sa atin ay naganap, mga sukdulang sandali na alam ko ating inaasam.. Hindi ko akalaing makakawala ako sa mundo mo, musika mong nagpaikot sa mundo ko, init ng iyong halik na nagpabago sa takbo ng buhay ko..

H'wag ka na muling lalapit pa kwento ng ating nasimulan ay nagtapos na sa mga sandaling ito muli ako nagpapaalam sayo ayoko nang maging parte ng mundo mo, ni hindi na ninanais maging parte ng pagtakbo ng isipan mong ako ang gumugulo..


Mula noon hanggang ngayon marami ng nagbago sa tatlong taong nakilala mo ako sana kahit papano nabigyan ko ng kulay ang masalimuot mong mundo,. Mahirap man tanggalin sa ala-ala kung pano tayo nagkakilala magmimistulang kahapon na lamang ang kahapong hindi na muling magaganap..



Alam ko ginusto mo ako noon sa paraang alam mo, ninais mong maging tayo at ganun din naman ako ngunit tadhana at oras ang humahadlang sa pag-ibig ng sa atin sana'y nakalaan, Ginusto mo ako sa paraang gusto mo, ginusto kita sa paraang alam ko, ginusto kita hindi dahil sa kabilang ka sa isang sikat na banda kundi ginusto kita noon dahil sinalo mo ako sa mga panahong sukdulan ang sakit na nararamdaman ko.. SALAMAT sa pagkakataong iyon..


Masaya na ako ngayon.. sana masaya ka na rin ngayon,, masaya ako sa taong mahal ko ngayon.. sana ganun ka din .. Masaya kasama ang taong sayo ay nagpapasaya..


Kalimutan na natin ang isa't isa dahil ayoko na makibilang sa mga taong gusto kang mapasaya.. tama na sa akin mga pagkakataong ako'y iyong napasaya.. salamat..

Thursday, November 25, 2010

"So much like!"

My existence to this real life.. ♥

"Sometimes i just look like weird, weird enough because sometimes i have my own world.." :)

I am a true friend, with or without make up, i'm flexible and easily adapt. i can handle myself with anyone i meet, i'm open to new stuff, i'm always nice to people because for me "It's a small world." But some people hate me for being who i am, i don't know whats the problem with them, all i know is that i can't please them, not for begging them to like me.. :)

I don't like people who, just because of their fame, their totally discriminates others.

And i'm a very supportive and very passionate one, i feel in the extremes sobra akong matuwa, magalit, at masaktan. And i want to change that in myself, also. I appreciate all little things. kaya nga if you gave me a *Flowers, i'd love that! mababaw lang kase kaligayahan ko e.. just to give you guys an idea haha.. :D

For a guys who wants to get close with me, he just need to keep himself from doing the things i HATE! "Like pambabastos.." He should be really careful with every words he says and what i really hate most are guys na walang respect sa family and especially sa mga babae.. and guys na hindi responsible enough sa lahat ng bagay..

When i'm in a relationship i don't use my charm to change people and influence how they behave. If i'm committed to someone who's formal, i have to accept that he's like that, but that doesn't mean i have to be as formal as him. I can always inject humor into our relationship para later on makakasanayan na nya kung ano talaga ang personality ko..


I've always wanted a man who's responsible enough for everything like for example financially capable of earning not just for himself but for his family as well, These are the qualities that i loved about, and i'm serious about.


When i was a child i'm a self confessed "tomboy" but i know how to act feminine when i need to., May pagkaboyish kasi ako eh! Kaya siguro mas marami akong friends na boys compared sa friends ko na girls.. and its true! and its good to be friends with trusting guys kasi ituturing kanilang little sister and "princess" according yan sa experience ko with my chosen friends na guys.. and its good to be friends with trusting guys kasi walang competitions, walang compareness, walang envious factor and i love that.. but i have friends na girls chosen girl friends din sila.. ♥


I easily get annoyed with people who think they're perfect. Some misunderstand my words and think I’m cold and distant. I'm a very straight forward. I just don't care about things that don’t affect my existence. Who cares if people hate me? Who cares if those or some people irritated with me, who cares about those sharp tongues assholes? Definitely not me. As long as something makes me happy and comfy, and remains within the level of common politeness, I’m cool with it.
I grew up in a conservative family which made me wanted to try things outside, I'm sensitive, easily get hurt, and often feel uncared for even for simple reasons but only to those whom I have connections with. You may see me as unapproachable, snob, quiet person but limited bubbly I have come to accept the wild freaky image I reflect, I'm not like any ordinary girl. I am me and I’m different with, the kind who goes out and explores the real world.

Wednesday, November 3, 2010

"Muli bang ipagpapatuloy? o kusang sasabay sa agos ng pagdaloy?"

Inaamin ko sa sarili ko patuloy pa rin ako nakakaramdam ng mumunting pagbabago mula sayo.. bakit? masaya naman ako sayo? masaya ka naman sa akin? masaya tayo pareho.. subalit bakit laging may tanong sa isipan ko?? mga suhestyong hindi ko mabigyan ng sagot..

Inaamin ko bulag ako sa pag-ibig mo.. bingi ako sa sinasabi ng ibang tao.. ganito ba talaga? basta nakakaramdam ka ng mumunting kasiyahan balewala na ang lahat ng pinakaiingatan?

Ibang klase..? dahil ako dumating nanaman sa buhay mo.. ginugulo mundong nagpapagulo sayo..

Patuloy mo pa ba akong sasaktan o sisimulan mo nang baguhin ang nakaraan upang ihasto ang mali ng kahapon at sisimulang pakaingatan ang pagkakataong nasimula.. (To be continue..) :D

Tuesday, November 2, 2010

"Ikaw lang ang minahal ko ng ganito..."

Umiikot na naman ang mundo ko sa iisang tao.. walang iba kundi sayo ikaw lang ang mahal ko..

"Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa atin kailanman.."

Muli akong nandito, nandito sa harapan mo pupunan mga nakalipas na araw na wala sa piling mo. muli tayo hihingi ng pangakong ilang saglit mang napako, magpapatuloy tayo sa sinimulan nating kwento.. muli nating haharapin ang pagsubok ng relasyong meron tayo, inaasam na sana wag nang mawaglit sa isipan mga pangako nating kailan man di kayang tumbasan, ni hindi kakayanin higitan ng sinuman..

Walang sinuman ang may kakayahang humandlang kakayanin kahit sinuman .. Panginoon lang ang makakapagsabi kung hanggang saan ang itatagal natin dito sa mundong ibabaw subalit walang taong sinuman ang kayang hadlangan ang pagibig na meron tayo..

"Atin nang Punan ang mga panahong nagkulang, Atin na muling balikan at simulan"

Lahat ng bagay pwedeng itago, lahat ng sandali hindi maitatago, bawat minuto ng buhay kong nung wala ka ay naging malaking hamon sa akin.. at kailan man hindi na nanaising magtiis, hindi na kayang tiisin ang mga panahong wala ka sa aking piling..

Buhay ko ay naging magulo ng mga sandaling wala ka.. walang kaagapay sa daloy ng masalimuot kong buhay, hindi na muling nanaisin ang mga panahong NAGKULANG sa atin..

Muling ibabalik sa atin ang makulay nating mundo, hindi na muling ibabalik ang mapait na naranasan sa kabila ng lahat muli tayong babangon at ika'y muling iaahon.. Babawiin ang mga nagkulang na sandali, muling sisimulan ang ALA-ALANG ating NASIMULAN.

Monday, October 18, 2010

Maraming oras naang nasayang, Maraming panahon ang di na mabilang kamay kong maraming beses ng Nagtiwala't naging sugatan mga matang luha lang ang inabot.. Luha ng kahapong tuluyan ng huminahon, Patak ng ulang malalim ang pinanggagaglingan, Mapuno man, muling isasahod sa tubig ng kawalan..
Maraming beses ng nagtiwala.. Maraming beses ng nawalan ng tiwala, maraming beses nang binugbog ng paasa ng kawalan, karanasang walang hangganan,. akin ng nalamapasan..
Ilang beses pa ba aasa sa kahapong ilambeses ako pinaasa isang damakmak na pangaral, mga kaibigang sinubukan kong talikuran ngunit hindi akoiniwan..
Mga pagkakamali kong ilam beses ko nang muli't muling naranasan, paulit ulit lamang ako nasasakta't nahihirapan..
Ni nais kong tulungan sarili ko upang makawala sa pait ng halos lahat ng pinagdaraanan ko, paano yayakapin ang tunay na pag babago kung mismong sa sarili ko hirap mabago..
Sana maumpisahan ko kung paano baguhin ang kwento ng buhay ko..