”May mga bagay na patuloy lumilipas my mga bagay na minsan lang ipagpalipas.. my mga bagay man na pilit nating baguhin sa mata ng iba wala pa din.. pilit mo mang ilagay sya sa tama patuloy ka pa rin mapapasama.. nanaisin mo mang panghawakan ito ng napaka tagal di mo rin masasabi kung kailan ito kusang bibitaw..”
"Mundo ko kusang umikot sa mundo mo, pilit ko kinalimutan mga sakit na naranasan ko mula sa pag ibig na hinahangad mo lahat binigay ko, lahat nman ginawa ko pero lagi tanong sa isip ko saan pa ba ako nag kulang ano pa ba di ko naibigay?., minahal kita hanggang sa kaya ko minahal kita bawat dadaan na minuto ng buhay ko.. bawat lumilipas na oras ikaw ang nasa isip ko..bawat mga salitang sumampal sa mukha at tumatak sa isip ko tinanggap ko.. bawat away na lumilipas bawat problemang kinakaharap patuloy kong sinasalag.. kung darating ang araw na ang kwentong sinimulan natin ay magwawakas na sana manatili sa ating mga puso ang saya ng alaala., kung nanaisin man ng isa sa atin na baguhin ang mga bagay na mali natin hayaan ntin na umagos ang isat isa sa piling na ng iba,. at kung darating ang araw na tayo talaga ako'y magiging masaya dahil sa pagkakataong iyon marahil tayo ay handa na.."
--------------♥
“Dumaan lang sa isip ko lahat ng ito.. maraming beses ko pinagisipan kung ihahayag ko ang nararamdaman ko sa lahat ng tao, maraming beses man mangyari ang mga bagay na ganito patuloy kong gagawing aral sa nasimulan kong kwento ng buhay ko at sa darating man na katapusan, marami mang dumaang tao sa buhay ko, iilan man ang magiging seryoso at marami mang darating na manloloko atleast sanay na ako.. kayang balansihin ang alat at tamis ng mga minutong patuloy na lumilipas sa buhay ko.. marahil ganun talaga ang ibang tao.. gawin man nila ng paulit ulit tatanggapin ko na lang ng maluwag at tahimik at ikakapit ko mga kamay ko ng mahigpit at walang nararamdamang galit at sakit..” -ANGEL CASTELO♥


No comments:
Post a Comment